Advertisers

Advertisers

Jonas nagka-trauma nang ikalat ng ex-dyowa ang nude pics

0 1,637

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

ISA sa mga pinag-uusapang kandidato sa nalalapit na Mr. Grand Philippines 2024 si Jonas Harina ng Quezon Province.

Mukha kasi siyang bortang Koreanong artista kaya naging paborito agad siya ng marami.



Kilala bilang Tiktok celebrity na si Jayden Fernandez si Jonas na sumikat sa pagbebenta ng underwear online.

At ang bongga sa kanya, isinusuot muna niya ang underwear during his live selling bago niya ibenta ang mga ito!



Nire-request kasi ng ibang viewers na isuot muna niya ang underwear na ibinebenta niya.

Lahad ni Jayden/Jonas, “As of the moment po, I’m now used to it. Since brief naman yung ibinebenta ko, so… normally they will request or demand na isuot ko para they also know how it will look pag suot nila.”



Aminado si Jonas na nakakatanggap siya ng mga indecent proposal.

“Ang pinakamatinding offer, siguro aabot ng half M, Half million, pero siyempre madaling magsalita, and I’m not really fond of it.

Deadma na lang daw siya sa mga ganoong alok.

“Move forward lang. Diyan din po nanggaling ang advocacy ko which is personal talaga.

“This caused me trauma before… personal siya, it’s really personal for me. That’s why I came up with this advocacy na rin.

“Social media management, responsible use of social media due to lack of knowledge of people on how to really use it.’

Nag-ugat ito sa pagiging biktima ni Jonas sa pagkalat ng mga malalaswa niyang larawan online.

“I was a victim… my private pictures spread without my consent.”

Paliwanag niya, “Aminado po ako since lahat naman ng tao, nagkakamali. And what’s really important is, paano tayo babangon.”

Paano kumalat ang maseselang litrato niya?

“Ex ko po yung nagpakalat.”

Kinasuhan ba niya ang kanyang ex?

“We tried to report it, or just to…”

Bakit ginawa iyon ng kanyang ex? Bilang ganti o galit sa kanya?

“Siguro, siguro po.”

Bakit may nude photos siya?

“Siyempre po, lahat naman tayo, dumadaan sa pagkabata, exploring. Since partner ko naman po siya, parang there’s no worry…”

Nakabangon na siya matapos ma-trauma pero…

“That was the biggest trauma of my life.”

Maliban kay Jonas/Jayden, ang iba pang mga kandidato sa Mr. Grand Philippines 2024 ay sina Aaron Jo Reyes ng KSA Fil Comm; Aaron Paul Francisco ng Malolos, Bulacan; Albert Decio ng Marikina City; Aljay Dado ng Zambales; Austin Gabriel Otu ng Nigeria Fil Comm; Carl Joseph Abueg ng Castillejos, Zambales; Christian Geca ng San Pedro, Laguna; Dale Danielle Fisher ng Australia Fil Comm; Daniel Paulo Elumba ng Silang, Cavite; Jake Lawrence Coronado ng Rizal, Laguna; Jake Rayos ng Batangas City; Jeffrey Jaquin ng France Fil Comm; Joe Marzon Dunuan ng Cordillera; John Christofer Lagus ng Manila; John Denmark Tomelden ng Quezon City; John Jerricho Porciuncula ng Antipolo, Rizal; John Kenneth Dela Cruz ng Arayat, Pampanga; John Roland Capuz ng Cabuyao, Laguna; John You Capili ng Dasmarinas, Cavite; Jonathan Perez ng Bulacan Province; Keith Andrei Llera ng Laoag City; Kent Lambert Garcia ng Infanta, Quezon; Kim Cenia ng Cebu; Mark Jayson Gaerlan ng Pangil, Laguna; Mark John Oronea ng Tagaytay City; Mark Joseph Macalintal ng Caloocan; Mark Wilson Laresma ng Albay; Marky Cielo Santos ng Porac, Pampanga; Matthew Louie Arbole ng Cagayan de Oro; Noel Peter Sena ng Pangasinan; Ram Soriano ng Muntinlupa; Sandy “Zandro” Sales Jr ng Mandaluyong City; Teddy Von Jay Manalo ng Balayan, Batangas; Tranx Risch ng Taguig Cityl WallMartin de Leon ng Parañaque; at Zyrus Aaron Fortes ng Sta Rosa, Laguna.

Sa sashing ceremonies nila ay tumanggap ng special awards na myDentist Clinic Media Choice awards sina Aaron Paul Francisco, Jonathan Perez, at si Jonas na nagwagi rin bilang Mr. Viva Café along with Aaron Jo at John Denmark.

Winners naman bilang “Smiles of the Night” sina Dale Danielle; Mark Joseph; Sandy; Albert; Jonathan; Kim; John Jericho; at John Denmark.

Ang swimwear competition ay sa Lunes, October 14 sa Ambassador in Paradise Resort sa Boracay kung saan rarampa sila suot ang Locco Locco underwear brand na pag-aari ng Vivamax hunk na si Nicco Locco; kasama nilang rarampa sa gabing iyon si Nicco mismo.