Advertisers
ANG isang mahusay na lingkod- bayan, natural lang na makiisa at tumulong sa sinumang nakapuwesto at di pinangingibabaw ang interes sa pulitika kundi ang kapakanan ng masa ang nangunguna.
SI Senador Francis ‘Tol Tolentino, kahit kaninong administrasyon siya nakapanig ay epektib niyang nagagampanan ang sinumpaang tungkulin partikular para sa masang naghalal sa kanya bilang Senador pruweba ng kanyang husay bilang public servant ng sambayanang Pilipino.
Kung kaya sa mga nagdaang administrasyon hanggang ngayon ay di nawawala sa sirkulasyon ang dating alkalde ng Tagaytay , naging gabinete ni PDuterte hanggang maging Senador at ngayon ay re-electionist sa bandera ni PBBM.
Hindi uso sa utol ni Philippine Olympic Committee president (Cong.) Bambol na si Sen.Francis ang pa-epal tulad ng iba para mapansin ng nasa trono,likas na magaling si ‘Tol kaya siya pinili sa tiket ng incumbent president.
Kaya kayong mga walang magawa at naiinggit sa kapwa, patunay lang na magaling at di natitinag saan man mapadpad si ‘Tol sa larangan ng serbisyo publiko partikular sa Senado.Okey si TOL kaya sumuporta na lang dahil bayan din ang nakikinabang lalo sa ibibigay nating bagong mandato..iyan si ‘Tol Francis Tolentino!
Lowcut: Shoutout kay Bosmike Lapitan- pinuno ng Tagaytay Chess Club sa tagumpay ng Asian Juniors and Girls Chess Championship ni Cong. Bambol.Happy at impressed lahat ng Asian participants.
MABUHAY TAGAYTAY!