Advertisers

Advertisers

Bulkang Kanlaon nakataas sa alert level 2

0 5

Advertisers

SINABI ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakataas sa alert level 2 ang bulkang Kanlaon iniulat nitong Biyernes ng ahensya.

Nabatid sa Phivolcs naramdaman din ang dalawang (2) volcanic earthquake sa paligid ng bulkan at bahagyang natatakpan ng ulap ang bulkan at namamaga ang bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone o PDZ.



Nabatid pa sa volcano monitoring ng Phivolcs na hindi rin pinapayagan ang pagpalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng biglang pagputok ng bulkan. (Boy Celario)