Advertisers

Advertisers

CAFGU galing b-day party, kinatay ng kaibigan

0 26

Advertisers

Todas sa saksak ang isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa isang lugar sa Midsalip sa Zamboanga del Sur noong Miyerkules, October 30, 2024.

Kinilala ang biktima na Jomar Lucasan, 34-anyos.

Ayon sa Zamboanga del Sur Provincial Police Office, pauwi mula sa isang birthday party ang off-duty na CAFGU member na si Lodiomon ng lapitan ng kanyang kakilalang si Benjie Tabunyag Calderon at sinaksak ng ilang beses.
Positibong kinilala ng mga saksi si Calderon na siyang responsable sa pananaksak kay Lodioman na nadeklang dead on arrival ng mga doctor sa isang hospital kung saan siya dinala ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.



Mabilis na nakatakas si Calderon, at pinaghahanap na ng mga barangay officials at mga kasapi ng Midsalip Municipal Police Station.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">