Advertisers

Advertisers

‘Birthday Pasasalamat’

0 15

Advertisers

UMABOT sa mahigit 8,000 supporters, family, friends, barangay officials, sectoral leaders, and special guests ang dumalo sa “Birthday Pasasalamat” celebration ni former Congressman Jesus “Bong” Suntay na ginanap sa Amoranto Sports Complex nitong nakaraang Biyernes.

 

Mababanaag sa mukha ni Congressman Suntay ang kagalakan sa ipinakitang pagsuporta at ugnayan sa kanyang mga constituents na lalong nagpatibay at nagpatunay  ng kanyang dedikasyon sa public service at pagiging hindi makasarili sa pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng komunidad.

 



“Hindi lamang ito masayang okasyon kundi isang magandang pagkakataon para magpasalamat ng buong puso sa ating Panginoong Diyos at sa hindi nagbabagong pagsuporta ng distrito 4 na aking natatanggap sa mga nakalipas na taon,” masayang sinabi ni Congressman Suntay.

 

Nagpatibay din sa okasyon ang diwa ng pagtutulungan mula sa mga barangay officials at sectoral leaders mula District 4 sa pagsisilbi sa komunidad, sabi pa ni Congressman Suntay.

 



Nagbahagi rin ng moving messages sina Atty. Migs Suntay at Kiko Del Mundo sa matatag na pamumuno ng kongresista sa positibong epekto sa buhay ng kanyang mga ka-distrito.

 

Bilang personal na pagbati sa kaarawan at sa mahalagang kontribusyon ni Congressman Suntay sa kanyang distrito,  nangako si Senator JV Ejercito sa matalik kaibigan na ibibigay ang lahat ng pagsuporta para muling maipagpatuloy ang serbisyo publiko.

 



Sa isang touching video message naman galing kay Senator Bong Go, pinuri nito ang dedikasyon ni Congressman Suntay sa public service at mainit na pagbati sa kanyang kaarawan.

 

Naghandog naman ng powerful musical performance  at nagbahagi ng kanyang taus-pusong pagbati ang actor na si Cesar Montano. Gayundin si Dominique Roque  na nagbigay ng mensahe ng paghanga sa leadership at community spirit ni Congressman Suntay.

 

Hindi naman napigilan na magtilian ang crowd  sa electrifying performance mula sa Callalily, na sumabay sa pagkanta ng kanyang popular hits  na lalong nagpasaya sa buong gabi ng selebrasvon.

 

Bilang bahagi ng pasasalamat at pagpapahalaga sa kabutihang-loob ng kanyang ka-distrito, namahagi si Congressman Suntay ng cash prizes at gift packages.

 

“I would like to expressed my deepest gratitude to everyone in attendance and pledged to continue working tirelessly for the welfare of our district. Your support inspires me to keep going. I promise to prioritize the needs of our community and ensure that our district continues to thrive,” pagtatapos ni Congressman Suntay.

 

Ang “Birthday Pasasalamat” ay isang pagkakaisa, at pagkilala sa matibay na relasyon sa pagitan ng isang lider at kanyang mga ka-distrito.