P5.7m LPG nasamsam sa ilegal refiling station
Advertisers
Nakumpiska ng mga tauhan ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nasa P5.7 milyong halaga ng mga kagamitan sa pagsalakay sa isang ilegal refiling station ng mga LPG sa Bulacan.
Ayon kay CIDG Director PBGen. Nicolas Torre III, sinalakay ng CIDG-Regional Field Unit 3-RSOT, Bulacan Provincial Filefd Unit at Bulacan PNP ang Marilao Industrial Compound sa Brgy. Mahabang Parang, Sta. Maria, Bulacan nitong Huwebes, Nobyembre 21, 2024.
Sinalakay ang illega;l na refilling station sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Adonis A. Laure, Acting Presiding Judge ng Third Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 21, kaugnay sa paglabag sa Republic Act No. 623 o regulasyon sa paggamit ng mga duly marked containers.
Nakumpiska ang iba’t ibang kagamitan at materyales kabilang mga original, repainted at refilled Pryce Gas LPG cylinders; weighing scales; refilling hoses and machines; LPG pumps; compressors at storage tanks.
Isang nagngangalang “Olga” na on site checker lamang ang nadatnan ng mga awtoridad habang dinala naman sa RFU 3 office ang mga kinumpiskang ebidensiya.
Ayon kay Torre, bagama’t walang naaresto sa mga may – ari , hindi naman sila titigil para matukoy kung sino ang nasa likod ng iligal na operasyon ng refilling ng mga LPG upang papanagutin.(Almar Danguilan)