Advertisers

Advertisers

Sheena Halili nanganak na ng baby girl

0 347

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

IPINANGANAK na ng Kapuso actress na si Sheena Halili ang kanilang first-born na si Baby Martina nitong December 12.

Masaya niyang inanunsyo ito sa kanyang Instagram na agad sinalubong ng congratulatory messages mula sa fans at fellow celebrities.



Laking pasasalamat ng aktres sa medical staff na tumulong para sa kanyang safe delivery, “December 12, 2020 First Family Picture. I would like to thank all the doctors and nurses that were part of my pregnancy journey. Most especially to my very maalagang OB, Dra. Marie Victoria Cruz-Javier. She was the reason why healthy at malakas ako sa pregnancy ko hanggang sa mag push ako kagabi.”

Inulan ng greetings ang comments section ng post ni Sheena. Kabilang sa mga bumati ang fellow Kapuso stars niya na sina Kim Domingo, Lovely Abella, Juancho Trivino, at Denise Barbacena.



***

Alden’s Reality, record-breaking!



Hanggang ngayon ay lubos ang pasasalamat ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa matagumpay na 10th anniversary celebration niya via “Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert (AR).”

Record-breaking nga ang nasabing handog ni Alden sa kanyang mga tagasuporta here and abroad dahil ang AR ang kauna-unahang virtual reality concert dito sa Pilipinas. Marami mang naunang virtual concert, si Alden pa lang ang nakagawa ng may virtual reality component.

Mabilis ang fans sa pag-secure ng tickets para sa concert kaya naman ‘di kataka-takang sold-out ang AR na napanuod sa tatlong timeslots noong December 8 at 9. Top trending topic din ang hashtag na “AldensReality” sa Twitter Philippines.

Hindi nabigo ang mga nanuod dahil isang ‘virtual date’ ang binigay ni Alden sa kanila. Mula sa paggising ba naman ni Alden ay kasama na niya ang concertgoer at may pa tour pa sa loob mismo ng kanyang bahay. May frontrow seat din ang ‘date’ ni Alden sa mga song at dance numbers na inihanda niya.

Marami rin ang na-touch sa pagbabalik-tanaw ni Alden sa kanyang journey as an artist sa loob ng isang dekada.

Congrats ulit, Alden!

***

Ysabel Ortega may bagong business venture

Parami ang celebrities na sumusubok na sa pagne-negosyo lalo na habang naka-quarantine. Sa latest vlog ng Kapuso artist na si Ysabel Ortega, ibinahagi niya ang magiging bagong business venture ng kanilang pamilya na poultry farm and lemon plantation sa La Union.

Excited na nagbigay ng mini tour si Ysabel, “I wanted to make this vlog because I wanted to give you guys a glimpse of what I’ve been doing every day. Staying here [in La Union] during the quarantine, mas lalo namin natutukan ‘yung businesses, especially ‘yung broiler house.”

Sa kabuuan, may 3,000 lemon trees na naitanim sa kanilang lupa at naghahanda na rin silang mag-alaga ng 45,000 meat-type chickens para sa poultry farm. Panoorin ang whole tour ni Ysabel sa kanyang YouTube channel.

***

‘My Fantastic Pag-ibig!’, bagong aabangan sa GMA News TV

Ngayon pa lang ay excited na ang marami sa bagong aabangang TV shows sa 2021. Isa na nga rito ang upcoming fantasy rom-com series na “My Fantastic Pag-ibig” na mapapanuod sa GMA News TV.

Wala pang ibang detalye tungkol sa nasabing proyekto ng GMA Public Affairs pero balita namin tampok dito ang iba’t ibang love stories na pagbibidahan ng promising love teams ng GMA.

Kikiliti nga raw sa imahinasyon ng viewers ang bawat kuwento dahil sa mga exciting plot na mapapanuod sa bawat episode.

Isa kami sa mga nag-aabang sa bagong show na ito ng GMA News TV.

***

Dave Bornea at Manolo Pedrosa, kaabang-abang ang roles sa ‘Babawiin Ko Ang Lahat’

Parte ng bigating cast ng upcoming GMA drama series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ ang dalawang Kapuso heartthrobs na sina Dave Bornea at Manolo Pedrosa.

Excited na ang fans sa roles nila as Randall at Justin, at kung ano ang magiging papel nila sa kuwento na pagbibidahan nina Pauline Mendoza, Carmina Villarroel, at John Estrada.

Makikita sa social media accounts nina Dave at Manolo ang behind-the-scenes photos mula sa kanilang lock-in taping na siguradong ngayon pa lang ay magpapakilig na sa fans.

 

Tutok lang sa GMA para sa updates sa mga bagong show na mapapanood next year.