Advertisers
GINULANTANG ang mga residente ng malakas na pagsabog ng isang granada sa tapat ng detachment ng 4th Mobile Platoon ng 2nd Police Mobile Force Company sa gilid ng highway sa Pagalungan, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules ng gabi, January 1, 2025.
Wala namang nasaktan sa insidente, na nagsanhi ng pagkagulat ng mga residente sa paligid ng police detachment.
Sa inisyal na pahayag ni Capt. Razul Pandulo, hepe ng Pagalungan municipal police, nagtamo ng kasiraan ang isang Toyota Innova na nakaparada sa tapat detachment, malapit sa kungsaan sumabog ang granada.
May isa pang explosive projectile na natagpuan sa detachment na maagap namang na-dispose ng mga Army at police bomb experts na nag-responde sa insidente.