Advertisers
HINDI na napigilan ng isang mister ang kanyang sarili dahil sa tila araw-araw na giyera na nangyayari sa loob ng kanilang bahay dahil sa putak nang putak ang bunganga ng kanyang misis kung kaya’t nagawa niyang suntukin ito sa nguso nitong Miyerkules sa Oriental Mindoro.
Sa ulat, nagtungo si Gina (hindi tunay na pangalan), 34-anyos, sa barangay nang dumugo at mamaga ang kanyang nguso nang mag-ala Manny Pacquiao ang kanyang mister na si Rico (hindi tunay na pangalan).
Sa loob ng barangay, inamin ng mister na nagawa niyang suntukin si Gina dahil sa walang patid na kabubulyaw nito sa kanilang mga anak na nagparindi ng kanyang tenga.
Kahit sa loob ng barangay ay hindi parin nagpapaawat si Gina. Katunayan, inutusan pa nga nito ang mga barangay tanod na gulpuhin ang kanyang asawa, na hindi naman sinunod ng mga tanod.
Halos umabot ng isang oras ang mainitang diskusyon sa barangay, pero sa bandang huli ay nagkaayos din ang mag-asawa.
Nang tanungin kung anong gagawin sa namamagang nguso ng ginang, ang sagot ng mga tanod: “Madadaan lang po iyon sa yelo.”