Advertisers
ISANG grupo ng riders sa Davao City ang nakunan ng video ang pinaniniwalaang UFO o unidentified flying object.
Kamakailan lang, pinag-usapan ng netizens ang pahayag ng dating pinuno ng Israeli Space Agency tungkol sa umano’y palihim na nakikipag-ugnayan sa mga gobyerno ng Amerika at Israel ang mga “alien.”
May isang lugar din sa Quezon na sinasabing pahingahan ng mga UFO.
Katunayan, ilang beses na raw na may nakitang UFO sa naturang lugar.
At nitong nakaraang Oktubre lang, isang grupo ng riders na nagpapahinga sa isang overlooking na lugar ang may nahagip sa larawan at video na pinaniniwalaan na UFO.
Pero marami parin ang nagtatanong kung UFO nga ba ito o repleksiyon lang ng ilaw?