Advertisers

Advertisers

Motorsiklo bumangga sa puno: 3 magpipinsan patay!

0 212

Advertisers

NASAWI ang tatlong magpipinsan na sakay ng isang motorsiklo nang bumangga sa isang puno sa Sual, Pangasinan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Raynaldo Abuan Jr., Marvin Abuan, at Maveric Gonzales.
Ayon kay Police Captain Fredwin Sernio, hepe ng Sual Police, nangyari ang insidente sa Barangay Pangascasan.
Sa report, galing sa bayan ang mga biktima at pauwi na Barangay Macaycayawan nang mangyari ang trahediya.
Walang suot na helmet ang mga biktima at nakainom ang mga ito.