Advertisers
PATAY ang dalawang lalaki sa engkwentro laban sa mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) sa ikinasang checkpoint operation sa Marcos Highway, Sitio Painuman, Barangay Inarawan, Antipolo, Rizal.
Kinilala ang dalawang nasawi na sina alias Kelly at Roy na kapwa pinaniniwalaang miyembro ng ‘Mokong Group’.
Ayon kay PNP-AKG Luzon Field Unit chief, Lt Col. Villaflor Bannawagan, naganap ang engkwentro 5:40 ng umaga.
Ayon kay Bannawagan, pinara ng mga pulis ang dalawang lalaki na nakasakay ng motorsiklo na walang plaka pero hindi umano huminto ang mga ito sa checkpoint.
Nakatanggap ang mga otoridad ng intelligence report na may riding-in-tandem na magsasagawa ng robbery hold up sa lugar.
Ani Banawagan, sangkot ang Mokong Group sa robbery, kidnap for ransom at maging iligal na droga. Matagal na rin silang target ng AKG.
Pinamumunuan umano ito ng isang Ryan Dela Cruz na subject na ng warrant of arrest.(Mark Obleada)