Advertisers
NASAWI ang isang lola nang pagbabarilin sa harapan ng kanyang bahay sa Kidapawan City.
Kinilala ang biktima na si Ofelia Maria Castillano, 68-anyos, retiradong guro sa Kisante National High School at residente ng Villanueva Subdivision sa Barangay Poblacion ng lungsod.
Sa report, naganap ang krimen Miyerkules ng hapon sa tapat ng bahay ng biktima.
Ayon sa ulat, sakay ng traysikel ang biktima galing palengke at pababa na ito kanyang bahay nang sumulpot ang gunman at pinagbabaril ito. Tinamaan sa ulo ang biktima. Kaagad tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo.
Nabatid na nakakatanggap na ng death threat ang biktima dahil sa awayan sa lupa sa kanilang pamilya.
Nag-iimbista pa ang pulisya sa krimen.