Advertisers

Advertisers

Babaeng piloto lasog sa bumagsak na kopter

0 18

Advertisers

NASAWI ang isang babaeng piloto nang mag-crash ang sinasakyang helicopter nito sa Purok Arimungmong, Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija, Sabado ng gabi.

Sa report, 10:00 ng umaga nang umalis ng Maynila patungong Baguio ang helicopter.
Alas-dose ng tanghali, nagbaba ito ng isang pasahero sa Baguio bago ito lumipad muli patungong Binalonan, Pangasinan upang mag-refuel.

Ayon sa mga opisyal ng Binalonan Airport, napansin na nilang nahihirapang mag-restart ang helicopter bago ito lumipad 4:30 ng hapon.



Bandang 7:00 ng gabi nang ma-detect ng Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ang anim na emergency transmitter locator alerts kungsaan nakumpirma na isang helicopter ang nag-crash sa Guimba.

Kasalukuyan nang nasa crash site ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang alamin ang naging sanhi nang aksidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">