Advertisers
TODAS ang tatlong wanted sa kasong murder, at dalawang pulis ang nasugatan nang mauwi sa sbarilan ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa Tagum City, Davao del Norte nitong Sabado.
Kinilala ang mga nasawi na sina Rozendel Arselias Cañete, Norman Saquin at Renz Balmaceda.
Sa report ng Tagum City Police, habang isinisilbi ng mga operatiba ang warrant of arrest laban sa tatlong wanted sa kasong 2 counts murder sa kanilang hide out sa Camella Trails Subdivision, Visayan Village ng naturang siyudad nang salubungin ng putok ng baril ang mga pulis, nagbunsod ng palitan ng putok.
Kinilala ang dalawa sa mga nasugatang miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team na sina Staff Sgt. Tapayan at Corporal Baliad na kapwa nagtamo ng sugat sa braso at hita.
Ayon sa pulisya, tinangka ni Cañete at kasama nitong si Balmaceda na tumakas kungsaan nakipagbarilan pa ang una sa mga operatiba.
Nagkulong naman si Saquin sa kuwarto sa ikalawang palapag at pinaputukan ang mga operatiba pero bumulagta ito nang gantihan ng putok ng mga awtoridad.
Samantala, nagtago si Balmaceda sa sapa na nabaril nang manlaban din sa mga operatiba.