Advertisers

Advertisers

2 pulis nasawi sa kidlat

0 8

Advertisers

Nasawi ang dalawang aktibong pulis nang tamaan ng kidlat habang inaayos ang pagkakapadara ng kanilang motorisklo sa parking area ng Regional Mobile Force Battalion habang bumubihos ang malakas na ulan sa Naujan Oriental Mindoro nito Miyerkules ng gabi

Kinilala ang dalawang naasawi na sina Pat Laudelino Samarita Lomio ll, 31-anyos, 4B HQ, Brgy. Del Mundo, Mansalay, Oriental Mindoro; at Ruzzel Jay Ferrer Fontarum, 28, PNP Member, residente ng Brgy. Calima, Pola, Oriental Mindoro na kapwa nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion 4B.

Ayon kay CPl Fernan C. Macuha, 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa parking area ng RMFB 4B Headquarter na matatagpuan sa Brgy. Pinagsabanga 1, Naujan Oriental Mindoro.



Sa report, inaayos ng dalawang biktima ang pagkakaparada ng kanilang motorsiklo sa parking area dahil sa malakas na buhos ng ulan sa nasabing lugar. Nang bigla na lang maganap ang serye ng malakas na pagkidlat at tamaan ang dalawang pulis.

Habang nagpapatrulya si Pat John Cyril Hilaario sa paligid ng kampo nakita nito ang dalawang biktima na nakahandusay sa daan.

Mabilis naman isinugod ang mga biktima sa Mindoro Medical Center ngunit kapwa hindi na umabot ng buhay sanhi ng tinamong pinsala sa katawan. (Mark Obleada/ Ronald Bula)