Advertisers

Advertisers

Torre nanumpa na bilang 31st PNP Chief

0 32

Advertisers

PORMAL nang namumpa bilang ika-31st Philippine National Police (PNP) Chief si General Nicolas Torre na pinangunahn ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa turn over ceremony sa Camp Crame, Quezon City nitong Lunes ng umaga, Hunyo 2.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Torre na sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng PNP, tatlong pangunahin proyidad na progarama ang kanyang ipapatupad.

Ang tatlong program o 3 core pillars ang three minute emergency response time: unity and morale with in the rank, at accountability and modernization.



Ayon kay Torre, sa ilalim ng 3 minute emergency response time, kailangan na makarating o responde ang mga pulis sa mga tawag mula sa publiko. Ito’y pagtalima aniya sa kautusan ni Pangulong Marcos, Jr.

“This is not just a benchmark, it is a lifeline. Every call for help deserves immediate attention and action. We will be present,” pahayag ni Torre.



“Makikita ninyo kami sa kalsada, sa kumunidad, sa palengke at sa bawat lugar na kinakailangan nating presensya para magbigay ng kapanatagan ng kalooban, kung nasaan man ang bawat Pilipino na ligtas sila,” wika ni Torre.

“Una sa buong kapulisan, nandito ako at ako ang lagi niyong kasama. Sabay nating harapin ang lahat ng hamon ng ating organisasyon at sabay nating pangalagaan at itaas ang dangal ng ating uniporme. But I will ask something from you in return of this promise,” saad ni Torre.



Aniya, sa iallim ng kanyang pamumuno, ‘action will be rewarded. Hindi sapat ang pogi points. Pagkakalooban ng reward ang mga police na nagtra-trabaho.

“Appointments will be based solely on merit and only the most competent will be entrusted with the right positions in the right places,” pagdiin ni Torre

“Sa ilalim ng aking pamumuno, patas ang batas, mabilis ang serbisyo at karapat-dapat ang inyong tiwala sa kapulisyahan, hindi kailangan pang pumunta sa kung saan-saan at hinding hindi namin kayo pagpapasa-pasahan, at ang PNP na lamang ang inyong maging sumbungan ng inyong mga hinaing lalong lalo na ng paglabag ng inyong karapatang pantao,” ani ni Torre.(Mark Obleada/Almar Danguilan)