Advertisers

Advertisers

88 OPISYAL NG LTO MASISIBAK SA ANOMALYA!

0 27

Advertisers

NASA 88 opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ang namimiligrong masibak sa puwesto, habang 205 driving schools ang posibleng maipasara dahilan sa pagka-kasangkot sa iba’t-ibang anomalya kabilang ang non-appearance sa pag-iisyu ng theoretical and practical driving certificates.



Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vi-gor Mendoza II, ang hakbang ay bahagi ng agresibong crackdown laban sa mga sangkot sa samu’t saring iligal na aktibidades.

Ayon kay Mendoza, nabulgar sa kanilang imbestiga-syon sa 88 hepe ng District Offices ng LTO ang sabit sa iregularidad, dahil dito’y iisyuhan ang mga ito ng Notice to Explain (NTE) kung bakit hinayaan ang maling sistema sa driving schools na nasa kanila ang responsibilidad at hurisdikyon.

Tinukoy ng opisyal na kabilang sa paglabag ng mga driving school ay ang tampering ng mga access sa Land Transportation Management System (LTMS) para mai-upload ang Theoretical Driving Course (TDC) at Practical Driving Course (PDC) certificates para sa kanilang mga kli-yente na mas marami kum-para sa arawang limitasyon na itinakdang LTO.

At ang pag-iisyu ng PDC at TDC certificates sa kabila ng hindi nakumpleto ang resisitos sa oras, non-appearance sa issuance ng PDC at TDC certificates.

Ang PDC at TDC ay pangunahing resisito sa pag-a-apply ng driver’s license.

Hindi anila nais na makom-promiso ang buhay ng road users at maging ng commuters.