Advertisers

Advertisers

20 PULIS, 10 SIBILYAN DAWIT SA ‘MISSING SABUNGEROS’

0 67

Advertisers

NASA 20 pulis at 10 sibil-yan ang sangkot sa pagdukot at pagpatay sa 34 nawawalang sabungero noong 2021, ayon sa lumantad na isa sa mga suspek na nagpakilalang “Totoy” na gusto nang maging testigo para mabigyan daw ng hustisya ang mga biktima dahil nababagabag na aniya siya ng kanyang konsensiya at may banta narin siya sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.

Ayon kay Totoy, na nagnanais maging state witness, ang kanyang ibinunyag ay nakapaloob sa kanyang affidavit na isinusumite sa pulisya.

Sabi niya, ang isa sa mga dapat kasuhan ay ang may–ari mismo ng palaisdaan sa Taal Lake sa Talisay Batangas, kungsaan sinasabing ibi-naon ang mga nawawalang sabungero.



Una nang sinabi ni Totoy na tinalian ng sandbag ang mga biktima upang hindi lumutang.

“Pinakitaan nila ako ng video, diyan lang ‘yan sa Ta-lisay, palaisdaan. Ang may-ari kasama sa kakasuhan, unipormado ‘yun”, ani aTotoy.



Si Totoy ay kabilang sa anim na guwardiya na una nang kinasuhan ng kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagkawala ng 10 sabungero.

Inaresto na sila Totoy, subali’t pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng P3 milyon bawat isa.



Aminado si Totoy na palipat-lipat siya ng tirahan bunsod narin ng mga banta sa kanyang buhay.

Tiniyak naman ni PNP Spokesperson, Brigadier Gen. Jean Fajardo, na walang “sacred cow” sa gagawing imbestigasyon sa kaso.

Hinihintay na lamang nila Fajardo ang buong affidavit ni Totoy.

Samantala, kinumpirma ng Department of Justice na mayroong sangkot na ilang matataas na opisyal ng gobyerno sa pagkawala ng mga naturang sabungero.

“Parang pati Court of Appeals nagagapang nitong grupong ito. It is so alarming on what money can do and how powerful people can be because thay have so much money. Pati Korte Suprema pinag-uusapan ito na kayang kaya niyang ayusin, gano’ng klaseng tao itong mga kalaban natin dito,” ani Justice Secretary Crispin Remulla.

Ani Remulla, kasama ito sa mga isinawalat ni Totoy.

Ngunit kanyang paglilinaw na ito’y kanilang patuloy na iniimbestigahan at pinag-aaralang mabuti upang tuluyang matukoy ang katotohanan sa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Giit ni Remulla, hindi ito isang ordinaryong kaso lamang, ngunit itinuring niya ang isyu bilang organisadong krimen kaya’t masusing pag-iimbestiga ang kanilang ipinatutupad.

Hiling ng Justice Secretary maging sa mga kaanak ng mga nawawalang sabungero na bigyan siya ng karagdagan pang panahon upang magkaroon ng kaliwanagan sa mga kaso.

Sa kasalukuyan, patuloy parin ang kanilang pag-iim-bestiga kasabay ng pagtiti-yak ng kagawaran na hindi nila pinababayaan na makalimutan na lamang ang pagkakaroon ng isyu.