Advertisers

Advertisers

SIKAT NA AKTRES DAWIT SA MISSING SABUNGEROS

0 47

Advertisers

IBINUNYAG ng isa sa mga akusado sa kaso ng pagdukot sa mga sabungero na kabilang sa “alpha” members ang sikat na babaeng showbiz personality na may malaking kinalaman sa pagkawala ng nasa 100 sabungero.

Kasama sa affidavit ang pangalan ng celebrity na kanyang isinumite sa mga otoridad.

“May isang babaeng celebrity, ‘di ko naman pangalanan at alam na nila ‘yan. Kasama siya sa alpha member. Ibig sabihin kasama siya sa grupo,” ani Totoy.



Ayon kay Totoy, nakakasama rin ang female celebrity sa kanilang mga meeting at isa rin ito sa posibleng maging susi sa kaso dahil marami itong alam.

“Isa rin siya ‘pag nagme-meeting, ando’n siya. Isa rin siyang susi, kung sakali. Siya ang mas maraming alam. Dapat siyang makasuhan kasama ng mahigit 30 sibilyan at pulis,” giit pa ni Totoy.



Inihayag pa ni Totoy na handa na ang kanyang affidavit at isusumite niya ito sa sandaling makumpleto na ang ebidensya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">