Advertisers

Advertisers

Mga artistang nag-eendorso ng sugal, ‘tulak’ ng mga bilyonaryong walang konsensya – Bishop

0 28

Advertisers

Tila pinatutsadahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang mga artistang nag-eendorso ng sugal sa mga social media platform.

Iginiit ni Bishop David na walang pinipiling edad at oras ang pagsusugal.

“Wala na yatang mas titindi pang kabaliwan kaysa sa ahensya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa ilegal na offshore gambling, samantalang ginawa namang legal ang online gambling dito mismo sa bayan natin— kumpleto, todo-todo, walang hiya. Bukas sa lahat, sa bata o matanda, 24 oras kada araw, pitong araw kada linggo,” aniya sa isang social media post noong Lunes, Hunyo 30.



Dagdag pa niya, “Sino pa ang magtitiis pumuslit sa mga casinong pang-mayaman kung kahit sino puwede nang magsugal habang nakahiga sa sala, sa kwarto, sa bulsa ng bata — sa liwanag ng cellphone? Sino ang may pakialam kung ang mga batang dapat nag-aaral na ang tumataya ng perang pinaghirapan ng OFW na magulang? Ipinadala sa GCash, isinugal online, mas malala pa — hindi nakakakuha ng utang sa mga magulang. maibayad sa tuition.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">