Advertisers
Ni Archie Liao
MAY mga nagmamaldita na inokray si Anne Curtis sa natanggap niyang award sa 53rd Box Office Entertainment Awards.
Siya kasi ang tinanghal na Female TV host of the Year para sa noontime show na “It’s Showtime” samantalang si Robi Domingo ang nagwaging Male TV host of the Year.
Sa X social media account, hindi naman naiwasang mag-react ng ilang nagmamahadera.
Sey ng isang netizen, bakit daw ang laging absent sa nasabing show ang pinagkalooban ng parangal ng naturang award-giving body.
Buwelta naman ni Anne, ang pinagbasehan daw ng naturang award ay ang performance at attendance niya last year.
Hirit pa niya, mas may werpa raw ang quality over quantity na idineliver ng host.
Pero hindi pa rin tinantanan si Anne ng mga batikos kaya naman napakomento itong : “GIGIL NILA AKO E. Hayaan nyo, makakaasa kayo wala akong hosting award next year because l was absent for half of this year acting for 2 different projects. 1 that I have yet to finish. Happy? Right?”
Umani naman ng samu’t saring reaksyon sa kibitzers ang pagiging patola ni Anne sa ilang kate-katera at sawsawera.
Sey pa ng iba, na-bad shot daw ang TV host-actress dahil na-slight ito sa mga pasaring na mas deserving ng award ang ibang hosts ng “It’s Showtime” kesa kanya.
Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.
“Bakit pikon lately si Auntie? Mukang mas mainit ulo nya dahil sa feedback sa IONTBO haha”
“Medyo umay na din sa kanya. Best TV show host e bulol naman at sabaw ang mga tanong sa guest.”
“Pansin ko medyo touchy sya lately maybe and seems like she can’t take the comments kasi about her role in the new series noh?”
“She’s not a good host mas madaming magaling kesa skanya!”
“I like her as a host, kikay and kulit. But I think may iba pa na mas deserving dun sa award.”
“Actually kung hosting lang mas magaling c karylle mag host kaso ung humor ni karylle d swak sa showtime”
“For me, entertaining si Anne as a host without trying too hard, blunders and all. Kaabang-abang din daily outfit nya. Masarap sa mata pag pretty nasa TV.”