Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAGBIGAY na ng pahayag si Jameson Blake tungkol sa namamagitan sa kanila ni Barbie Forteza.
May mga nagsasabi kasi na mag-jowa na sila dahil sweet sila kapag nagkakasama sa isang event at nahuli/nakunan pa sila na magka-holding hands nang dumalo sa isang fun run.
Sa online show ni Ogie Diaz na Showbiz Update ay ipinakita rito na nag-text siya kay Jameson, para tanungin ang aktor kung ba talaga ang meron sa kanila ni Barbie.
Ang reply ni Jason, “Honestly, we are not together. The reason why nahuli kami holding hands kasi andaming tao no’ng nagpa-picture sa kaniya,” paliwanag ni Jameson.
Aniya, inaalalayan lamang niya si Barbie dahil baka dumugin na ang aktres.
“I was just assisting her palabas. Gets ko naman people will think different. […] Kumbaga, crowd control ako that time. Inaalalayan ko lang si Barbie,” pagpapatuloy ni Jameson.
Kaya naman sinabihan ni Ogie ang mga netizens na huwag nang bigyan ng malisya ang friendship ng dalawa.
Matatandaang unang inintriga ng netizens sina Jameson at Barbie matapos silang makitang sweet at malapit sa naganap na ‘Lights, Camera, Run! (Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino)’ noong May 11.
Mas lalo pang umingay ang pang-iintriga sa dalawa matapos silang maispatang magka-holding hands nang may magpa-picture sa kanila sa isang fun run.
***
AMINADO ang naging housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition na si Dustin Yu na hindi siya makapaniwala sa mga nangyari sa kanyang buhay at career ngayon.
Kung dati raw ay isa lamang siyang viewer ng nasabing reality show, hindi niya akalaing magiging official housemate siya rito someday.
Ang pag-amin na ito ni Dustin ay ibinandera niya mismo sa kanyang Instagram account matapos ang kanyang PBB journey.
“Went inside PBB with no expectations, just a willing heart and the hope to learn something along the way,” simula niya.
“I didn’t really know what I was walking into, but maybe that’s the best part,” aniya pa.
Aminado rin si Dustin na hindi naging madali ang lahat –may mga ‘rough patches,’ may mga tahimik na tagumpay na hindi nakita ng kamera, at may mga moment na halos hindi niya maintindihan sa sarili niya, pero lahat ng iyon ay naging parte ng kanyang pagbabago.
“Still figuring things out, still trying, but I’m learning to be proud of how far I’ve come,” dagdag pa niya.
Hindi rin nakalimutan ni Dustin na pasalamatan ang mga naging bahagi ng kanyang PBB journey
“To all the amazing supporters, and to everyone who’s been there, whether loudly or quietly, thank you…You’ve been such a blessing in this journey.”
Para kay Dustin, ang tunay na pagbabago ay hindi agad nararamdaman.
“Becoming who you are doesn’t always happen the way you expect. Sometimes it’s in the small, consistent ways you keep showing up,” mensahe pa ng ex-housemate.
Sa pagtatapos ng kanyang post, nagbigay si Dustin ng isang simpleng mensahe na punong-puno ng puso: “A chapter I didn’t see coming, but one I’ll always value.”