Advertisers

Advertisers

BINI at SB19 nangabog sa OPM Con

0 25

Advertisers

Ni Archie Liao

PASABOG ang naging performances ng BINI at SB19 sa ginanap na Puregold OPM Con 2025 sa Philippine Arena kamakailan.

First time na nakipag-collab ng BINI kay James Reid na idolo ng number one all-girl group sa bansa.

Well-applauded ang mash up number nila ng”Secrets” (BINI) at “Di Bale. (Reid).

Siyempre, di naman nagpakabog ang phenomenal Pinoy Pop icon na SB19 na first time na nakipag-collab sa dating Rivermaya front man na si Rico Blanco sa awiting “Dungka”.

Kinagiliwan din ang pag-awit ng G22 at ng OPM icon na si Yeng Constantino ng “Salamat” .

Ang girl group na Kaia na nakilala sa debut single na “Blah Blah” ay standout ang naging collab sa Mayonnaise sa rendition nila ng “Jopay.”

Nagpakitang gilas din sa nasabing concert ang Sunkissed Lola at ang rapper na si Skusta Clee.