Advertisers

Advertisers

TONTON AT GLYDEL SOBRANG NALUNGKOT SA PAGPANAW NI MANAY LOLIT

0 20

Advertisers

Ni TIMMY BASIL

SA unang araw ng burol ng talent manager at TV host na si Manay Lolit Solis sa Aeternitas unang dumalaw ang mag asawang TONTON Gutierrez at GLYDEL Mercado. Ramdam ko ang lungkot na kanilang nararamdaman.

Sina TONTON at GLYDEL ay matagal nang mga alaga ni Manay Lolit. Para silang nawalan ng Ina. Panay ang hawak ng kanilang mga kamay lalo na during the mass.

Sobrang lungkot nila at mababanaag yun sa kanilang facial expression..

Namataan din namin doon sina former Sen. Bong Revilla and wife Lani Mercado. Sina Amy Austria at Gina Alajar, Benjie Paras, Paolo Contis.

Nagulat ako kay Lorna Tolentino, ang bata niya in person.

Pagbaba namin ng Aeternitas ay nakasalubong namin si Lito Pimental

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Sayang nga lang at nung makaalis kami ay sya namang pagdating ni Gabby Concepcion.

Lahat ng mga nabanggit na artista kundi man lahat ay majority sa kanila ay mga talent ni Manay Lolit sa loob ng napakahabang panahon at “Nanay Lolit” ang tawag nila rito.
***
PINAKABONGGANG BUROL

NOON pa man ay pumupunta na tayo sa mga burol sa mga namayapang taga showbiz, nasaksihan ko lahat ng klaseng burol pero itong kay Manay Lolit ay maayos at bongga.

Malalaki kasi ang chapel ng Aeternitas kaya ang mga bulaklak ay maayos na nakahilera sa tatlong sulok ng chapel.

Bongga rin ang foods sa lamay ni Manay, may tatlong catering at nakalagay ito sa Hera chappel na tapat ng pimagburulan ni Manay na matatagpuan sa 7th floor. May unli coffee din na barista mismo ang nagtitimpla.

Masasarap ang pagkain at ang bait ni Gorgy Rula na nag aasikaso sa mga bisita lalo na kapag taga-showbiz.

Yes, you heard it right, 7th floor dahil parang hotel ang Aeternitas na matatagpuan sa tabi ng St. Peter Church sa may Commonwealth, Batasan Hlls, QC. Malalaki at mabibilis ang elevators.

Ang Aeternitas ay mukhang magiging paboritong wake venue ng mga taga showbiz. Maayos kasi. Dito rin binurol si Mommy Caring, nanay ni Ice Siguerra at yung mass tribute Kay Freddie Aguilar.