Advertisers

Advertisers

Hardware niransak: P300k cask, tinangay

0 15

Advertisers

NATANGAY ang tinatayang 300k halaga ng cash at mga alahas ng apat na kalalakihan na pawang naka-helmet nang pasukin ang isang tindahan ng hardware at construction supplies na pagmamay-ari ng pamilyang Chinese national sa Naic, Cavite.

Kasalukyang inaalam ang pagkakakilanlan ang apat na suspek na inilarawan na pawang naka-helmet na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat, 12:30 ng hapon nang puwersahang pinasok ng mga suspek ang GMZ Hardware and Construction Supplies na matatagpuan sa Brgy Sabang, Naic Cavite.



Pagpasok ng mga suspek, itinali nila gamit ang isang duct tape ang mga biktimang sina Liwahe Wu, 56, General Manager; Manzu Chen, 55; Ziqiang Wu, 38; at alyas Yoyong, 17, estudyante at tinangay ang tinatayang P300,000.00 cash at alahas.

Matapos nakuha ang pera, tumakas ang mga suspek sa di pa nabatid na direksiyon, bagama’t hindi naman binanggit kung anong sasakyan ang ginamit sa kanilang pagtakas.(Irine Gascon)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">