Advertisers
Ni BLESSIE K CIRERA
HINDI maitago ng Pop Rock Diva na si Rozz Daniels ang saya at excitement sa magagandang plano sa kanyang music career.
Hindi pa.man nailalabas ang cover song niya ng Ibang-Iba Ka Na na orihinal na kinanta ni Renz Verano (kelan nga ba ito ilalabas), eto’t may nakatakdang gawing revival ng isang sikat na OPM song at isang original Christmas song si Rozz sa pamamahala ng beterano/pamosong composer na si Doc Mon del Rosario.
Kamakailan ay nagkita sina Doc Mon at Rozz sa Solaire Hotel para pag-usapan ang nakatakdang music career move ng huli. Maganda lumabas ang kanilang usapan at dahil si Doc Mon ay propesyonal, maayos na nailatag ang mga balak nito na babagay sa Pop Rock Diva.
Nagkaroon pa sila ng tila Question & Answer Portion sa mga balak at ine-expect ng bawat isa.
Kung inyong matatandaan, si Doc Mon ang lumikha ng mga awiting Isang Linggong Pag-Ibig, Somewhere In My Past, Boy, Sino Ang Baliw at iba pa.
Sa mga inilatag na likhang awit ni Doc Mon, isang sentimental song ang napili ni Rozz na sumikat din nang todo noon.
At ang nakasasabik pang abangan.ay ang.paggawa.ng naturang composer ng X-mas song para kay Rozz na every year ay mapakikinggan natin.
Magandang hakbang ito para sa career ni Rozz sa pagkanta lalo na’t ang makaka-collaborate niya ay no less than Doc Mon del Rosario.
Salamat Doc Mon sa pagpapahintulot nyong maawit ni Rozz ang sikat na kanta nyo at maigawa siya ng Christmas song.
Abangan natin ang paglabas ng mga awiting yan. Congrats, Rozz!