Advertisers

Advertisers

MunicIpal engineer patay sa ambush

0 23

Advertisers

NASAWI ang isang municipal engineer nang tambangan habang papauwi sa Shariff Aguak, Magundanao del Sur, Miyerkule ng gabi.



Kinilala ang biktima na si Shed Agriff Malalang, municipal engineer ng Shariff Saydona Mustapha.

Ayon kay Colonel Sultan Salman Sapal, Provincial Director, 6:15 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa highway ng Barangay Timbangan, Shariff Aguak.

Papauwi na ang biktima at tatlong kasama sakay sa isang kulay itim na Toyota Hi-Lux pickup na patungo sa Shariff Aguak galing ng Shariff Saydona Mustapha. Habang binabagtas nila ang kahabaan ng highway, pagsapit sa nasabing barangay, ay pinaulanan sila ng mga bala ng grupong nag-aabang sa kanilang sasakyan.

Sa kabila ng tinamong tama ng biktima, nagawang pa nito mapatakbo ang sasakayn hanggang sa makarating sa isang detachment at maka-hinggi ng tulong.

Agad dinala sa ospital ang biktima nguni’t binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen.(Mark Obleada)