Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
ITINANGGI ng basketbolistang si James Yap ang mga kumakalat na balitang may namamagitan sa kanila ni Ciara Sotto.
Sa isang panayam sa kanya ng kolumnistang si Dolly Anne Carvajal ay diretsahan niyang itinanggi ang chika.
“Kotso kotso lang ‘yan, Miga,” sabi ni James sa wikang Hiligaynon.
Samantala, una nang dinenay ni Ciara ang chikang may namamagitan sa kanila ni James.
Sa isang exclusive interview, nilinaw ng aktres na walang katotohanan ang matagal nang chika sa kanila ng ex ni Kris Aquino.
Aniya, magkaibigan lamang sila ni James.
“No, he’s a friend. He’s a good friend of mine. Matagal na kaming magkaibigan,” sabi ni Ciara.
Matatandaang natsismis ang dalawa matapos sabihin ng isang netizen na “confirmed couple” sina James at Ciara
Noong 2022 kasi ay nakita ang dalawa na magkatabi sa isang birthday party kaya may mga tsikang baka may something sa kanila.
Samantala, ayon kay Ciara, nagsimula ang friendship nila ni James dahil naging magkasama sila ni Marc Pingris na siya namang asawa ng kanyang pinsan na si Danica Sotto.
***
AMINADO si Melai Cantiveros na pinagselosan niya noon si Ivana Alawi.
Sa kanyang latest Facebook page ay ibinandera niya ang larawan nilang mag-asawa kasama ang actress-vlogger.
“Sa wakas nakita narin ni Papang ang kanyang crush na si Ivana @ivanaalawi,” panimula ni Melai.
Chika pa niya, nakumpirma niya na crush talaga ng asawa niyang si Jason Francisco si Ivana matapos makita ang aktres.
“Talagang confirm , kaya crush ni Papang si ivana kasi kamukha ko si Ivana , sa panaginip ko hahaheheh char lang,” nakakatawang hirit ni Melai
Dagdag amin pa niya, “Pinagselosan ko lang nuon , kmukha ko na ngayun Char lang ulit.”
Umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizen ang naging post ni Melai.
“The best ka tlga partner super sipag and super bait,” saad ng isang netizen
Comment naman ng isa, “Melai, wag ka tumabi.kay Ivana, nagmumukhang Kawawa c Ivana sa Ganda mo!!!
Chika pa ng isa, “Kahit binabasa ko lang Yung post naririnig ko Padin si melai hahahaha.”