Advertisers
IGINAGALANG ng Malakanyang ang desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklara sa mga articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte bilang unconstitutional o labag sa Saligang Batas.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala pang natatanggap ang Palasyo na buong teksto o kopya ng desisyon.
Sa kabila nito, iginiit ni Castro ang kahalagahan ng paggalang sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman at sa mga institusyon ng pamahalaan.
Binigyang-diin ni Castro na ang proseso ng impeachment ay saklaw ng lehislatibo at hudikaturang sangay ng gobyerno.
Aniya, kinikilala ng Palasyo ang kanilang kalayaan at mandato sa ilalim ng Konstitusyon. (Gilbert Perdez)