Advertisers

Advertisers

Sey mo Tom… Carla doktor ang bagong dyowa

0 17

Advertisers

Ni Archie Liao

PINAGPIPISTAHAN ng mga tsismosang kapitbahay ang nakakaintrigang post ni Carla Abellana sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi kasi niya sa kanyang IG ang litrato na nagde-describe ng dinner date for two.

Bagama’t hindi malinaw, makikita rin sa kanilang dulo ng mesa ang isang lalakeng nagbubuklat ng menu sa isang diner.

Pagbati pa ng aktres:”HI!”

Marami naman ang nagbunyi para sa aktres.

Hirit ng netizens, luma-love life na muli si Carla Angeline.

May mga nagsabi ring deserved ng aktres ng happiness after her failed relationship.

Komento naman ni Karel Marquez: “revealed na!!!”

Ayon naman sa umpukan ng mga nagmamarisol, isa raw doktor ang bagong dyowa o idini-date ng aktres.

Ito naman ang samu’t saring reaksyon ng kibitzers.

“Any clue sino ito? But regardless, sana happy puso ang ating pambansang call-outer/voice of the inaapis.”

“Our spokesperson of the voiceless deserves all the happiness and love.” “Congrats Carla, good things really happen to good people”

“sana hindi politiko”

“hindi, doctor siya hihihi”

“Rooting for her. Deserve nya maging masaya sa piling ng matinong lalaki”

“Saw them in Shang last weekend, next table sila from ours sa UCC. Very chill sila and very low key and they looked happy too. Hindi artista-level yung looks nung guy but he looks ok and mukhang disenteng tao naman”

“So my guess, baka friend nina Karel? And mukhang they’ve been quietly dating for a while na. Happy for her. Sana talaga tratuhin sya nang maayos.”

“Deserve niya yan”

“Doctor yan, madalas ko makita si CA sa hospital na pinagwoworkan ko.”

“sana ito na yonnn, eating lunch with my dinner atacce ni Inay”

“About time! Queen deserves it!”

“soft launch na ba?”

Kamakailan lang ay naging usap-usapan si Carla dahil sa pag-alma niya sa isyu ng korapsyon sa Pilipinas.

Ibinuking din niya ang tungkol sa ibinigay sa kanyang opsyon ng kanyang kausap na baba ang presyo ng kanyang property kapalit ng cut dito.