Advertisers
Ni JIMI ESCALA
PATULOY ang pagbaha sa buong Metro Manila dulot ng bagyong Emong.
Isa sa talagang apektado ay ang mga naghahanap buhay sa bangketa particularly ang mga vendors, huh!
Kaya sa isang interbyu sa komedyanang si Pokwang ay awang awa siya sa mga tindero’t tindera.
Kumbaga kahit daw binabayo na ng ulan at baha ay patuloy na kumakayod ang mga ito para sa pamilya.
Hindi napigilan ng komedyanteng si Pokwang ang kanyang pagkaawa sa mga tindero na kahit binabayo para sa kanilang kabuhayan.
Kaya nga ibinida ni Pokwang na ang kanyang kasambahay na taga pamalengke niya ay pinagbilinan niya na huwag tumawad sa mga bibilhin sa palengke.
Kumbaga kung anong sinabing presyo ay bilhin na kaagad nito, huh!
“Namalengke si Manang Gina. Sabi ko ‘wag ka na tumawad, hayaan mo na kumita kahit papano mga binabahang nagtitinda sa palengke,” sabi pa ni Pokwang.
Sobrang naawa si Ms. P sa mga nagtitinda sa talipapa na kahit nanlalamig ay tuloy pa rin ang paghahanap buhay ng mga ito, huh!
Dagdag pa ng aktres-komedyante na damang dama niya ang kahirapang pinagdadaanan ng mga ito lalo na sumusugod sa gitna ng malawakang pagbaha sa pagbibili at pagbebenta ng mga paninda nila, huh!
“Kawawa rin naman sila ang hirap ng kalagayan nila kahit baha naghahanap-buhay pa rin. Ingat po kayo,” mensahe pa ng premyadong aktres para sa mga pinagmalasakitan niyang vendors.
Samantala, as of this writing ay patuloy na lumulubog sa baha ang malaking bahagi ng Metro Manila matapos ang ilang araw na walang tigil na buhos ng ulan dulot ng pinalakas na habagat, ng dalawang bagyo na kasalukuyang nasa loob pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), huh!
Sa probinsiya naman ng Batangas na talagang binabayo rin ng malakas na hangin at ulan ay hindi inalintana ng 71 year old Gob. Vilma Santos-Recto ang pag iikot sa buong nasasakupan niya.
Isa isang inaalam ni Gov. Vi ang kalagayan ng mga constituents niya lalo na ang mga lugar na apektado ng mga pagsalanta ng sunud sunod na bagyo.
Naghatid din ng tulong si Ate Vi kasama ang anak na si Luis Manzano sa mga higit na nangangailangan na taga Batangas.
Tuwang tuwa ang mga pinasyalang Batangueño sa sinserong pagdalaw ng kanilang gobernadora.
May mga yumakap at may mga nagpapirma pa rin ng autographs kina Ate Vi at Luis, huh!
“ Eto ang totoong gobierno, may malasakit, may kalinga, may talino at puso para sa matatag na Batangas.
Sa lahat ng pagkakataon, H.E.A.R.T.S PROGRAM ang dala. Tunay na ina at tunay na nag-aalala, yan si Gobernador Vilma .
***
AT this juncture ay gusto naming pasalamatan and in behalf sa pamilya ng aming co PMPC star awards member na si Ador Saluta ang lahat na nagpaabot ng tulong. Siya po ay patuloy na nakikipaglaban sa colon cancer stage 4.