Advertisers
NASA 30 katao na ang nasawi sa mga nagdaang magkakasunod na bagyong Crising, Dante, Emong at hanging habagat na nanalasa sa bansa.
Ayon kay OCD officer-in-charge Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, sa naturang bilang siyam na ang na-validate na nasawi mula sa National Capital Region (NCR) at 2 sa Region III. Karamihan aniya sa mga nasawi ay dahil sa pagkalunod o nakuryente.
Base naman sa datos ng NDRRMC, may tig-3 ang binawian ng buhay sa Western Visayas, Negros Island Region at Northern Mindanao.
Sa kasamaang palad din, may tig-isang nasawi mula sa MIMAROPA, Davao, Central Luzon at Caraga regions.