Advertisers

Advertisers

Ebidens’yang cellphone sinuli… KAANAK NG DATING REPORTER NA PINAGTATAGA DISMAYADO SA MONTALBAN PNP!

0 108

Advertisers

Dismayado ang kaanak ng brutal na pinaslang na si Bert Javier kamakailan sa Sitio Wawa, Brgy., San Rafael, Montalban Rizal.

Ito’y matapos mabatid sa korte na sinuli ng Montalban PNP ang cellphone na naglalaman ng mga litrato at video kung paano brutal na pinagtataga hanggang mapatay ang biktima.

Habang kinasuhan ang suspek na si Victor Enavia y Erandio ng murder sa Rizal Provincial Prosecutors Office.

Laking gulat ng kaanak ng hanapin ng piskalya ang cellphone ng suspek at ikatuworan umano ng pulis na sinuli nila ang cellphone sa misis ng suspek na s’yang matibay umano na ebidens’yang patunay laban sa suspek.

Hindi man, nagpabanggit ng pangalan ang kaanak ni Javier, malinaw anya na tila nais isabotahe ang kaso ng kawawang pinatay.

Dahil dito, hiningi ng mga kaanak ang tulong ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre lll na paimbestigahan ang hepe at may hawak ng kaso ng brutal na pagpatay sa dating mamamahayag ng Manila Bulletin.

Kaugnay nito sinikap ng sumulat nito na makausap si Montalban Chief of Police P/Lt. Col. Paul Sabulao at may hawak ng kaso ngunit bigo ito at wala ang hepe at may hawak ng kaso sa Police Station
(Edwin Moreno)