Advertisers
Sa tawag sa hotline 911, agad naaresto ng Malabon Police na pinamumunuan ni PCol.Allan Umipig ang isang suspek sa nabanggit na lungsod
Sa ulat kay Northern Police District Director PBGen.Jerry Protacio, matagumpay na naaresto ang suspek na si alias “Willy”, 22, pedicab driver dahil sa matinding pananakit o Physical Injuries
Sa ulat, nangyari ang insidente sa No. 650-10 Rosita Street, Barangay Santulan, Malabon City, Linggo, ng 1:40 ng hapon
Inireklamo ang suspek ng isang alias ” Joshua”, 26 , factory worker, residente Barangay Santulan, Malabon City, (injured).
Nagsasgawa ang mga operatiba ng Patrol Base 3, Malabon CPS ng pagpapatrulya ng iparating na may tawag mula sa cellular phone 911 hinggil sa nangyayaring kaguluhan sa nabanggit na lugar , dahilan upang rumesponde ang mga ito.at naabutan ang pangyayari na ayon sa biktima, nag- iinuman sila ng bigla.na.lamang nanggulo.ang sulpek at bumunot ng patalim at saksakin ito sa kamay.
Alas 4:00.naman.ng madaling – araw ng makatanggap din ng tawag ang 911 sa isang alias” Vincent ” , freelance manager ng Barangay Longos Malabon at naaresto ang suspek na si alias” Vic” , construction worker , ng Caloocan City.
Sa ulat, ninakawan ng suspek ang biktima .At makaraan ang tawag sa 911, naaresto at narekober ng pulisya ang mga ninakaw na Huawei 48 MP camera, mga cards, isang pouch at mga papeles ..
Nanawagan ang pulisya na hindi na kailangan pang dumayo sa himpilan ng pulisya kapag may hindi inaasahang pangyayari..Tumawag lang sa Hotline 911 at sa 5- minuto, may rerespondeng mga kagawad ng pulisya sa lugar.( Beth Samson)