Advertisers

Advertisers

SMC’S RAMON ANG CONTRADICTS BBM NEW NORMAL THEORY ON METRO MANILA FLOODINGS

0 69

Advertisers

Akala ko ba new normal na ang mga ganito kalaki at malawakang pagbabaha gaya nang idineklara ni Bongbong Marcos noong kasagsagan ng pananalasa sa Metro Manila at mga karatig na lugar ng bagyong Crising at Dante,ganun din ang epekto ng HABAGAT nitong nagdaang buwan ng Hulyo?

Bakit tila harapang sinalungat ito ni Ramon Ang ng San Miguel Corporation (SMC) sa isang press conference na dinaluhan ng mga Metro Manila mayors at ng mga kinatawan ng Metro Manila Development Authority ( MMDA)?

Direktang ipinahayag ni Ang ang nakikita niyang solusyon sa problema ng pagbabaha na katakatakang nabigong makita ni Marcos Jr.at ng kanyang mga alipores partikular na ni DPWH Sec.Manuel Bonoan?
\
Para saan pa ang sangkaterba/ napakaraming undersecretaries, assistant secretaries,at kung sino pang mga opisyal dyan sa DPWH na pawang mistulang inutil naman na pinapasuweldo ng taongbayan?

Kasabay nito,sinabi ni Ramon Ang na handang sagutin ng kanyang kumpanya ang lahat ng gastos sa isasagawa niyang pagsasaayos sa problema ng pagbabaha including labor at materials alang- alang at para sa mga kababayang natin na taon- taon na lamang ay napeperwisyo ng pagbaha.

Walang gagastusin kahit singkong duling ang gobyerno.

Tila nakakabinging sampal naman ito sa liderato ni BBM na nauna nang nagsabi na dapat nang mag- adopt at masanay ang mamamayan sa ganitong sitwasyon na itinuturing ng Pangulo na “new normal”.

Ang pahayag na Ito ng Pangulo na na- cover live ng media ay isang malaking kahihiyan hindi lamang sa Malacanang kundi sa iba pang ahensiya ng gobyerno na nabigong pagkalooban ng suhestiyon si Marcos Jr. para nabigyan sana ng tama at agarang solusyon ang problema ng pagbabaha gaya ng paraang nakita ng SMC boss.

Malaking dagok din ito sa DPWH na may pangunahing responsibilidad sa bilyong pisong palpak na flood control projects na ayon sa Pangulo ay mistulang guniguni lamang na di makita at madama ng mamamayan.

Eh sino nga ba ang pangunahing inutil at walang silbi?

Bakit ang pribadong sektor gaya ng kumpanya ni Ang ay agad nakita ang solusyon sa problema at laang baliktarin LAHAT ng gastusin para sa paggawa ng solusyon sa pagbabaha?

Insulto itong malaki sa kakayanan ng mga namumuno ng kasalukuyang gobyerno.

Insulto rin ito kay Marcos Jr.na bigong mabatid ang tamang gagawing solusyon at sa halip ay pikit- matang nagdeklara sa publiko na magtiis at mag-adopt na lamang sa sitwasyon dahil ito na ang new normal dulot ng climate change.

Lumabas tuloy ang katotohanan at nabuko tuloy si BBM na nagpapalusot lamang at nag- aalibi para pagtakman ang malaking kapalpakan.

Grave incompetence ang tawag dito at kakulangan sa kaalaman sa tama at wastong pamamalakad ng estado.

Truly a weak leader at that.

Irresponsible and incompetent!

Direct hit dito si Marcos Jr. dahil nabisto ang pilit na pagpapalusot at pagsisinungaling nito sa sambayanang Pilipino.

May mas malaki pa pala tayong kinakaharap na problema bukod sa pagbabaha.

May Presidente tayong nasanay na sa pagpapalusot at pagsisinungaling!

Kung sa simpleng usapin ng pagbabaha ay nakakayang bilugin ni Marcos Jr.ang ulo ng bawat Pilipino,paano pa kaya sa maseselan at mahahalagang bagay?

Mga kababayan ko…magising na tayo!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com