Advertisers

Advertisers

Lawrence Lubiano pinaiimbestigahan ni PBBM

Nakakuha ng P5.16B na flood control projects?

0 60

Advertisers

NAIS tuluyang pahubaran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang mga nasa likod ng flood control projects sa buong bansa simula ng kanyang termino hanggang 2025 kung kaya’t agaran itong nag-utos ng imbestigasyon ukol sa mga ito.

Magugunitang kabilang sa pangalang ibinunyag ng Pangulo na mayroong flood control project, si Lawrence R. Lubiano, Pangulo ng Centerways Construction and Development Inc., na sinasabing din top donor sa 2022 senatorial election ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na kung saan nag- donate umano ito ng 30 milyong piso para sa kampanya ng senador.

Batay sa mapagkakatiwalaang source ipinag-utos na ng Pangulo ang agarang pag-iimbestiga bawat kumpanya kabilang na ang kay Lubiano dahil sa lubhang nagtataka umano ang Pangulo at mga adviser nito kung bakit mula 2021 hanggang 2024, nakakuha umano ito ng P5.16 bilyon flood control project.



Maliban kay Escudero, kilala ding si Lubiano na malapit kay Vice Governor Diday Co na kapatid ni Congressman Zaldy Co na kasama din sa 15 pinangalanang kontratista ng Pangulo.

Maliban sa biglaang paglobo ng kontrata ni Lubiano na kung saan noong 2021, lima lamang ang kanyang flood control project subali’t noong 2022 nakakuha ito ng 44 kontrata.



Pang-pito ang kumpanya ni Lubiano sa 15 top flood control project contractors na pinangalanan ni Marcos sa loob lamang ng July 2022 hanggang May 2025.

Natuklasaan din na 96 porsyento ng proyekto ng kumpanya umano ni Lubiano mula 2021 hanggang 2024 nasa Bicol Region at ang tatlong porsyento nasa Central Visayas.



Magugunitang sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo kanyang ibinunyag na palpak at guni-guni lamang ang ilang mga flood control project sa bansa dahil sa patuloy na pagbaha sa tuwing magkakaroon ng pag-ulan.

Bukod dito tinukoy din ni Marcos ang San Juanico Bridge na kung saan tila napabayaan na kung saan ang naturang proyekto, tinayo sa panahon ng kanyang ama at nagdurugtong sa dalawang probinsya.

Magugunitang bago pa man ang SONA ng Pangulo, may ilang mga tulay din ang gumuho at mga nasirang water brake wall na siyang sumasanga sa mga tubig.

Dahil dito nais ni Marcos na panangutin ang sinumang mga kontratista na mapapatunayang nag-abuso sa kaban ng bayad.

Ganoon din, hindi din palalampasin ng Pangulo ang sinumang local government units (LGUs) o mga pulitikong kasabwat ng mga kontratistang lumulustay ng walang pakundangan at umaabuso sa pera ng taong bayan.