Advertisers

Advertisers

Kelot nang-hostage bugbog-sarado sa taumbayan

0 17

Advertisers

Bugbog sa taumbayan ang aburidong lalaking nang- hostage nang dambahin ng mga pulis sa palengke ng lungsod ng Baliwag nitong Agosto 13.

Sa report kay PCOL Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan police, naganap ang insidente 1:35 ng madaling araw sa Baliwag public market, Brgy. Poblacion.

Ayon sa report, nang makarating sa Baliwag police station ang impormasyong may nagaganap na hostage taking, agad rumesponde ang kanilang mga pulis sa lugar.

Sa Facebook post na nag-viral tungkol sa nasabing insidente, kitang nakikipag-diyalogo ang mga pulis sa lalaking may naka-ambang kutsilyo at nagbabantang sasaksakin ang hawak-hawak na biktima.

Nanatiling kalmado naman ang biktima ng mga oras na iyon habang kinakalma niya at tinatapik ang balikat ng aburidong suspek.

Lingid sa kaalaman ng hostage taker na may isang pulis na nasa likod niya na biglang dumamba sa kanyang kamay na may hawak na kutsilyo.

Sinabayan na rin nang damba ng mga pulis na naroroon habang umunday na rin ng sunod-sunod na suntok ang lalaking biktima at ilang kalalakihang nakapanood ng eksena.

Dahil dito, pinuri ni Garcillano ang mabilis, matapang at makabayang aksyon ng mga tauhan ng Baliwag police station na nagligtas ng buhay sa posibleng trahedya.(Thony Arcenal)