Advertisers

Advertisers

Konsehal timbog sa iligal na baril

0 126

Advertisers

Kulong ang 48-anyos na incumbent municipal councilor nang makumpiskahan ng hindi mga lisensyadong baril sa isang police law-enforcement operation sa Barangay Poblacion sa Tampilisan, Zamboanga del Norte noong Martes, August 26.

Kinumpirma ng kanyang kapwa local officials ang pagkaaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group kay ex-mayor Julius Darunday Bomediano, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Tampilisan, ngayon nasa kustodiya na ng pulisya.



Sa ulat nitong Huwebes ni Brig. Gen. Eleazar Matta, director ng Police Regional Office-9, magkatuwang sa search operation sa tahahan ni Bomediano ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Zamboanga del Norte at mga units ng PRO-BAR sa probinsya.

Natagpuan ng police search team sa loob ng Bomediano residence sa Barangay Poblacion sa Tampilisan ang isang M16 combat rifle at isang .45 caliber pistol, ayon kay Matta.

Ayon kay Matta at mga senior members ng Tampilisan Municipal Peace and Order Council, naikasa ang naturang anti-loose firearms operation batay sa isang search warrant mula sa Regional Trial Court Branch 28 sa Liloy, Zamboanga del Norte, may lagda ni Judge Wendy Josephine Alico-Famor, may petsang August 18, 2025.

Nahaharap na sa kasong illegal possession of firearms si Bomediano, ayon kay Matta at kay Police Lt. Col Gilzen Ñino Manese na siyang namuno ng pangkat ng CIDG na nagsagawa ng naturang search operation, katuwang ang mga operatiba ng Tampilisan Municipal Police Station at ibat-ibang mga units ng Zamboanga del Norte Provincial Police Office.