Advertisers
HUMIHINGI ng interbensyon at suporta sa pondo ni Bacoor City Mayor Strike B. Revilla kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa komprehensibong Bacoor Drainage Plan at dredging ng mga kritikal na dam at ilog sa lungsod. Nakasaad sa kanyang liham na patuloy ang paglala ng pagbaha sa Lungsod dahil sa pagkapuno ng mga daluyan ng tubig at luma ng mga drainage infrastructure kaya kailangan ng agarang aksyon mula sa pambansang pamahalaan para pondohan ang pagpapatupad ng Bacoor Drainage Plan sa pamamagitan ng mga foreign-assisted programs gaya ng Japan International Cooperation Agency (JICA) o ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF); o sa paghahatid ng interbensyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH), National Irrigation Administration (NIA), at Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa malawakang dredging at legal na turnover ng Molino 3 at 4 Dams. Kabilang din sa panawagan ang agarang desilting ng mga ilog at kanal sa Bacoor, lalo na sa mga barangay na madalas bahain, ayon sa City Engineering Office. Ang Bacoor Drainage Plan ay nakabatay sa dalawang pangunahing plano: ang JICA Master Plan (2022), na binuo sa tulong ng Japan International Cooperation Agency, at karagdagang plano mula sa DPWH na kinabibilangan ng Draft Final Master Plan Report ng Certeza Infosys Corporation at isang supplemental feasibility study para sa Bacoor River Improvement Project. Ang Pansamantalang inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Bacoor ang mga planong ito sa pamamagitan ng City Resolution No. 2025-643, na kaakibat ng Writ of Continuing Mandamus ng Korte Suprema sa *MMDA v. Concerned Residents of Manila Bay* (GR Nos. 171947–48) Paliwanag ni Revilla na barado na ng burak at basura ang mga dam at ilog na dating nagpoproteta sa kanila kaya kinakailangan ng agarang suporta mula sa national govennment. “Sa kabila ng aming patuloy na humihingi sa mga ahensyang gaya ng NIA para sa turnover ng Molino dams, wala pa ring malinaw na tugon. Ang pagkakatala sa administratibong proseso ay lubos na humahadlang sa aming gumaganang kumilos.” ayon kay Alkalde. Ipinahayag ng Lungsod ang kahandaang ipatupad at panagutan ang anumang tulong na maibibigay ng pambansang pamahalaan, sa mahigpit na koordinasyon sa mga kaukulang ahensya. Gayunpaman, binigyang-diin din nito ang pangangailangan ng agarang aksyon, sapagkat bawat araw ng pagkaintala ay dagdag na panganib sa mga residente at ari-arian. (Irine Gascon)