Advertisers

Advertisers

‘Nakakalimutan na ang missing sabungeros

0 5,192

Advertisers

NAKATUTOK ang lahat ngayon sa multi-billion flood control projects anomaly na kinasasangkutan ng mga sakim na politiko partikukar kongresista, DPWH officials partikular district at regional engineers, pati undersecretaries, assistant secretaries, inspectors, Bid and Awards Committee, Commission on Audit at ilan pa. Resulta: Substandard ang proyekto o multo nalang.

Dapat lang naman talagang tutukan ito ng media pati ng netizens para marindi si Pangulong Bongbong Marcos at kanyang mapanagot ang mga sangkot sa grabe nang katiwalian sa mga proyekto under DPWH.

Pero ‘wag namang kalimutan ang 34 o higit pang missing sabungeros dahil buhay na ang pinag-uusapan dito, Mr. President.

Nalilihis na kasi ang isyu sa flood control anomaly, at unti-nti nang nakakalimutan ang missing sabungeros na gawa naman ng mga sakim na gambling lords

Pangunahing suspek sa missing sabungero ang gambling tycon na si Charlie “Atong” Ang, na kumita ng bilyones o trilyon sa kanyang Pitmaster online sabong noong administrasyon ni ex-Pres. Rody Duterte.

Inginuso si Atong ng kanyang mga dating security, ang magkakapatid na Patindongan, na siyang “utak” sa pagdukot at pagpatay sa naturang mga sabungero na umano’y mga nandaya sa kanyang pasabong.

Sinabi ni Julie Patindongan alyas “Totoy” na itinapon ang katawan ng naturang mga sabungero sa Taal lake.

Sa latest report ng Department of Justice, nakakuha na sila ng mahigit 400 buto ng mga tao sa lawa ng Taal. Ngunit sa ginawang eksaminasyon dito, walang nag-match sa DNA ng mga kamag-anak ng mga biktima.

Pero tugma ang mga idinetalye ni Totoy sa kanyang sinumpaang salaysay na ang mga bangkay na inihulog sa Taal lake ay tinalian ng sandbag para hindi lumutang ang labi.

Ang mga nakuhang buto sa Taal lake ay mga nakatali raw sa sandbag, sabi ng DoJ.

Dapat tutukan muli ng media ang isyung ito hangga’t hindi napakulong ang utak ng karimal-dumal na krimen na ito. Mismo!

***

Nanawagan ng people’s power laban sa mga iregularidad sa flood control ang labor leader na si Atty. Luke Espiritu.

Sabi ni Espiritu, dapat nang kumilos ang taongbayan para ma-expose pa ang mga katiwalian ng DPWH kasabwat ang ilang politiko. Tama!

Tara na sa EDSA!

***

Inamin ng Malakanyang na bibigyan ng cabinet position si General Nicolas Torre, matapos siyang alisin bilang Chief PNP dahil sa ‘di raw pagtalima sa utos ng Napolcom na ibalik sa puwesto ang 3rd level PNP officials na kanyang binalasa.

Bagama’t hindi inanunsyo ng Palasyo kung anong posisyon ang ibibigay kay Torre, ang hula natin ay sa NBI siya ilagay matapos mag-resign as Director si retired Judge Jaime Santiago.

Bagay kay Torre ang posisyong ito kahit hindi siya abogado dahil eksperto siya sa mga imbestigasyon. Oks yan. General!