Advertisers

Advertisers

3 stude, 1 pa patay sa bangga ng cement mixer truck

0 48

Advertisers

Nasawi ang tatlong batang lalaki at isang cement mixer truck driver ang patay sa isang highway accident sa Sitio Balagunon sa Barangay Managa sa Bansalan, Davao del Sur noong Biyernes ng hapon, August 29, 2025.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Sabado, August 30, ng mga opisyal ng Bansalan Municipal Police Station at ng Davao del Sur Provincial Police Office, nawalan ng kontrol ang driver ng concrete mixer truck dahil sa mechanical trouble kaya ito lumihis, bumangga sa mataas ng gilid ng highway, gumulong at nakasapol ng tatlong mga batang lalaking elementary pupils.

Ayon sa mga kawani ng Bansalan Municipal Disaster Risk Reduction and Management office, ang tatlong mga bata na kinilala lang nila na Junior, 9-anyos; Ren, 10-anyos; at 12-anyos na si Ronie, na pumanaw sa hospital kung saan sila isinugod ng isang local government emergency response team at mga pulis na nag-responde sa insidente.



Ayon sa mga opisyal ng Bansalan Municipal Police Station at mga empleyado ng MDRRMO sa naturang bayan, namatay din sanhi ng mga maselang mga sugat at pasa sa katawan ang 38-anyos na driver ng naaksidenteng mixer truck na si Ron habang sugatan naman ang kanyang helper na si Lino, 49-anyos.

Nangako ang local government unit ng Bansalan na tulong sa pagpapalibing ng tatlong mga batang mula sa mga mahirap na mga pamilya sa Barangay Managa na nasawi sa naturang aksidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">