Advertisers

Advertisers

5 estudyante sugatan sa bumagsak na bubong sa Peñarada Park

0 44

Advertisers

Sugatan ang limang estudyante nang bumagsak ang bubong ng stage sa Peñarada Park, Legazpi City, Albay, nitong Sabado ng gabi, Agosto 30.

Ayon kay Albay Governor Noel Rosal, nagtamo ng mga sugat ang mga biktima nang mahagip ng mga debris mula sa nakakabit na bubong. Agad silang dinala sa ospital para sa medikal na atensyon.



Sinabi ng gobernador na malakas ang ulan noong nangyari, ngunit walang hangin na maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng malaking bubong. Sa paunang pagtataya, maaaring umanong hindi nito nakayanan ang tubig na naipon sa trapal.

Idinagdag pa niya na kaka-install lang ang bubong ilang linggo na ang nakalipas at inihahanda sana para sa Albay District Fiesta Parade at Ola Day sa Setyembre 2.

Bahagi ng P96 milyon na pondo para sa pagpapagawa ng parke ang ginamit sa bubong na bumagsak, ayon sa opisyal.