Advertisers
MAY ‘CCTV’ nang nakatutok sa mga galaw ng gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang at sa ‘special friend’ niyang actress na si Gretchen Barretto.
Oo! Kinumpirma mismo ni Department of Justice (DoJ) Secretary “Boying” Remulla na mayroon nang inilabas na immigration lookout bulletin order (ILBO) laban kina Atong, Gretchen at sa higit 50 pang indibidwal na sangkot sa pagkawala ng 34 sabungeros apat na taon na ang nakararaan.
Ang naturang mga sabungero ay nawala noong kasagsagan (2021-2022) ng Pitmaster online sabong na pinamumunuan ni Atong.
Ang mga indibidwal na ito ang tinukoy ng ‘whisteblower’ sa kaso na si Julie “Dondon” Patidongan alyas “Totoy”, ang dating security chief ni Atong na lumaban sa kanya matapos umano itong planuhan ipapatay ng gambling tycon.
Ang higit 50 indibidwal na kabilang sa insyuhan ng ILBO ay ang miembro ng ‘Alpha Group’ ni Atong.
Sa Alpha Group list, binanggit ni Patidongan ang mga pangalang retired General Ronnel Estomo, sabungerong breeders na sina Mayor Bernie Tacoy ng Leyte at Mayor Vincent Arjay Mejia ng Quezon, dating NBI official Angelito Guerra, Pitmaster Foundation president Gerry Ramos, mga sabungerong-breeder na kinatawan ng Pitmaster na sina Sonny Lagon, Richard Perez, Arman Santos, Edwin Tose, John Capinpin, Joey delos Santos, Lorna Lee at isang senador.
Patuloy ang imbestigasyon sa karumal-dumal na krimen na ito.
Sa latest update ng DoJ sa operasyon sa Taal lake, kungsaan sinasabing inilubog ang mga nawawalang sabungero, higit 400 nang boto ng mga tao na may mga nakataling sandbag ang nasisid ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG). Pero wala pa raw nag-match na DNA sa mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero.
Pero ayon kay Sec. Boying, matibay ang mga salaysay ng magkakapatid na Patidongan. Tiyak aniyang walang ligtas ang mga salarin. Subaybayan!
***
Nakakatawa itong Bureau of Customs (BoC). Iimbestigahan daw nila kung nagbayad ng tamang buwis ang higit 40 luxury cars ng mag-asawang kontraktor ng DPWH na Discaya.
Aba’y ang dapat imbestigahan dito ay ang BoC… kung paano nakalabas ng kanilang bakuran ang 40 luxury cars. Mismo!
***
Malupit itong “bata” kuno ni Southern Police District (SPD) Director, Brig. General Arceo, na si alyas JUN. Humirit daw ng dagdag sa koleksyon sa bawat iligalista sa kanilang erya.
Ang mga inuutusan daw ni JUN ay sina alyas Lakay, at alyas Christian. Pati mga club ay ‘di nila pinalalagpas.
Na dahil sa malaking “timbre” ay napipilitan daw ang mga club magpa- “tadtad” para kumita at may pambigay dito kina Lajay at Christian.
Ang tanong: Alam kaya ito ni BGen. Arceo? Tuldukan!
***
Hot na hot ngayon si Sen. Ping Lacson sa pagbubunyag sa mga katiwalian sa flood control. Ayos!
Wish ng taga-Romblon, maimbestigahan din ang mga proyekto ng Sunwest at Legacy sa lalawigan. Puros din daw depektibo!
Imbestigahan!