Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI rin nakakaligtas sa bashers ang mag-asawang sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.
At hindi lang sila ang binabanatan, pati ang kanilang dalawang inosenteng anak
Sa guesting ni Rodjun sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niya kung paano nila hinaharap ni Dianne ang mga basher.
“Ako po talaga, kami ni Dianne, kinakausap ko siya kasi ang mga bashers, mga inggit ‘yan eh. Wala naman silang ibang ginagawa sa buhay kundi mag-bash, magbaba ng mga tao,” sabi ni Rodjun.
Sey pa ng gwapong mister ni Dianne, “Alam namin ‘yung totoo, alam namin ‘yung hard work. Tsaka si Dianne din, siyempre nag-start pa lang din siya mag-diet, bina-bash siya about sa weight niya, sa lahat ng ginagawa niya.
“Pero ‘yung wife ko kasi, sobrang love na love ko siya and na-appreciate ko ‘yung ginagawa niya for the family.
“And hindi kasi nila alam kung ano ‘yung hirap ng isang nanay, kung ano ‘yung pinagdadaanan ng isang nanay,”.
Pagpapatuloy pa niya, “Kasi ako, mas lalo kong minahal si Dianne nu’ng nandu’n ako sa hospital nu’ng nag-give birth kay Isabella, so nakita ko ‘yung sacrifices niya, ‘yung hirap na pinagdadaanan niya, ‘yung ginagawa niya sa family.
“So ang sinasabi ko sa kaniya, huwag niya pansinin ‘yung mga negative, du’n tayo sa positive, at least wala tayo nasasagasaan na kahit na sinong tao.
“Enjoy natin ‘yung life and sobrang blessed tayo to be stressed. So enjoy life,” dagdag pa ni Rodjun.
Ang dalawang anak nina Rodjun at Dianne ay sina Rodolfo Joaquin Diego III at Maria Isabella Elizabeth.
Ayon kay Rodjun, wala na silang balak ni Dainne na dagdagan pa ang mga ito. Okey na sa kanila ang dalawang anak.