Advertisers

Advertisers

Kung Totoong Umalis Na Sa Manager Na Si Mother Biboy… Coco Mababansagang Ingrato; Angelo Alarva Image Model Ng La Salle, Lipa City

0 17

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

JUST recently lang ay ibinalita ng PEP.Ph na nag-unfollow daw si Coco Martin sa social media account ng manager at kaibigang si Biboy Arboleda o mas kilala sa showbiz sa tawag namin na Mother Bibs. Pero sa kabila raw ng pag-unfolllow ni Coco ay nanatiling naka-follow pa rin ang sweerheart ng actor na si Julia Montes kay Mother Bibs.

Ang foul lang sa report ng PEP na napaka-unfair para sa side ni Mother Bibs ay ang paratangan itong kaya kumalas na si Coco sa kanya ay dahil sa pera?

HELLO, kahit kailan ay walang record si Mother Bibs na nanlamang sa kan-yang alaga. Siya pa nga mismo ang naglabas ng sarili niyang pera para sa mga sumusuporta sa kanyang big stars na mga alaga.

Tulad sa dalawang dekada ng alagang si Coco Martin. Kahun-kahon ng Jo Malone ang binibili ni Mother Bibs plus pakimkim para sa mga showbiz reporter na nakikita niyang sumusuporta kay Coco at isa ako sa nabiyayaan ni Mother Bibs, tuwing Pasko at Birthday ko.

At sa pagkakaalam ko from his owned pocket galing lahat ng ito. Because grategul siya sa lahat ng mga tumutulong kay Coco at iba pa niyang talents.

I know by heart, na sa puso ni Coco ay Love niya si Morher Bibs. Kasi alam niya naman kung papano siya sinuportahan nito para maging bida sa mainstream movies at makapareha ang mga top actresses natin like Kris Aquino, Sarah Geronimo and Toni Gonzaga kung saan lahat ay naging blockbusters.

Si Coco na rin ang pinakasikat na actor, sa kanyang henerasyon dahil kay Mother Bibs at pagbi-build up sa kaniya ng Dreamscape Entertainment ni the late Sir Deo Endrinal. Pero ang problema ay kung magpapasulsol si Coco sa mga maling tao na nakapaligid sa kanya ngayon at makinig siya sa mga ito. Naku, kapag ginawa niya yan ay siguradong mababansagan siyang “INGRATO” sa showbiz.

And lastly about money matters, pagkakatiwaalan ba si Mother Bibs, ng iba pa niyang sikat na mga alaga like Diamond Star Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria, Judy Ann Santos, Roderick Paulate, Etc? Kung malasado siyang manager at dupang sa pera, malinis ang track record ni Mother Bibs, pagdating sa bagay na yan!

***

KAHIT bago pa lang nag-uumpisa sa kanyang showbiz career si Angelo Alarva, na unijo hijo ng actress-politician na Boa2rd Member ng 3rd District ng Laguna na si Angelica Jones Alarva.

Hayan at isa si Angelo, na Junior High School Mode ng kanilang school na De La Salle, Lipa City. Nakuha siya base sa kanyang track record, values and character.

Back in his elementary years, Angelo was also a model student of Southlake Intergrated School, and now in high school. He continues to shine as a model of La Salle Lipa. At role model na maituturing si Angelo sa mga kapwa estudyante.

Angelo Alarva Alday, will celebrate his birthday on Sept 7 in one of the popular hotels in San Pablo City, Laguna. At regalo ito sa kanya ng kanyang Mommy Angelica at very-very supportive ring Lola na si Mommy Beth Jones. Yes, lahat ay gagawin ni Mommy Beth, para sa showbiz career ng good looking grandson. Darating ang mga showbiz friends ni Angelo sa kanyang party like ng sumisikat na Kapamilya young actor na si Beaver Magtalas na naging parte ng top-rating na teleserye ni Piolo Pascual na Pamilya Sagrado. Abangan naman si Angelo sa gagawin nitong film project soon na bawal pa raw i-divulge! HAPPIEST BIRTHDAY, and Good luck to your studies and showbiz career Angelo.