Advertisers
Ngayong Setyembre 5, 2025 sa Dagupan, Pangasinan ay muling nasilayan ng mga taga-Dagupan si Congressman Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, dala ang pasasalamat sa daan-daang lider na patuloy na sumusuporta sa kanya.
“Maraming salamat po! Dahil sa inyo, nagtagumpay tayo. Ang pangako ko—hindi ko lang binitawan, tinutupad ko po. Araw-araw nasa Kongreso ako para humingi ng tulong para sa mga kababayan natin sa Pangasinan. Ngayon, nandito ako, bumalik sa inyo, at patuloy na naghahatid ng serbisyo at tulong sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Pangasinan,” ani Poe na umani ng palakpakan at sigawan ng suporta.
Bukod sa masayang pagsalubong, inilahad din ng mga lider ang kanilang mga problema at pangangailangan upang maipaabot ni Poe sa mga pagdinig sa Kongreso.
Para sa mga taga-Pangasinan, ang FPJ Panday Bayanihan ang kanilang tunay na boses, at si Cong. Brian Poe ang kanilang ipinagmamalaki—isang kabataang lider na nagmula mismo sa San Carlos.