Advertisers

Advertisers

‘ADRIAN’ SA ADMINISTRASYON MARCOS, BINATIKOS!

0 1,267

Advertisers

SA patuloy na mga iskandalo at pagsubok na nagaganap sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay may isang misteryosong personalidad na kumikilos at kinatatakutang magpabagsak sa pamahalaan.

Ito ang pagbubunyag ng anti-crime and civic group Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) sa tunay na personalidad ng isang “Adrian” na unang pinangalanan na isang alyas “Aldrin”.

Si Adrian ay isang Batangueño na pumupostura sa Malacañang na protigee ng isang mataas na opisyal ng Administrasyong Marcos. Siya ang naging mitsa ng mga intriga at malalalaking kontrobersiya sa administrasyon na nagresulta sa ilang “unwise decision” ng pangulo, pahayag ng MKKB.

Kabilang sa mga desisyon na hindi angkop sa panlasa ng mga mamamayan ay ang naunsyaming pagbili ng P8 billion na halaga ng automatic rifle na iniuulat na naging dahilan sa pagkakasibak sa pwesto kay ex-PNP Chief Nicolas Torre III, matapos tanggihan nitong lagdaan ang dokumento ng pagsang-ayon sa naturang firearms procurement.

Kasama rin sa palpak na desisyon ay ang pagbabalik sa pwesto kay PNP Region 4A Director, Brigadier Paul Kenneth Lucas, na pinalitan ni Torre III sa maikling panahon ng panunungkulan nito bilang pinuno ng PNP.

Ang pinakabago at tagong agenda ni Adrian ay ang pagkontrol sa operasyon ng illegal vices sa Mindanao at kalakhang Luzon, na sinimulan nito sa pagpapatakbo ng Small Town Lottery (STL) bookies sa Davao, Pangasinan, Isabela, ilang lalawigan sa Region 3 at ang pinakahuli ay sa Batangas.

Kabilang din sa manipulasyon ni Adrian ay ang pagpapalakas ng operasyon ng mga “puppet gambling lord” na mga lokal na pulitiko at kontratista ng maanomalyang flood control na sina alyas Gardiola at alyas Marasigan sa Batangas.

Sina Gardiola at Marasigan ay ang tagapagtatag ng kunwari ay Batangas Anti-gambling Militia, na ginamit na instrumento upang maagaw ng ga ito ang may 100 local gambling maintainers na nag-o-operate ng madayang 1-40 illegal STL bookies.

Kontrolado naman at pinaghahatian ang milyones na kubransa ng STL bookies sa 72 barangays ng Lipa City nina alyas Sgt. Michelle at ng sindikatong “Big 4”.

Itinatag ng isang alyas Lojo ang Big 4 noong 2007. Nang pumanaw si Lojo ay ang anak nitong si alyas Anang Tomboy at ang kanyang mga kapanalig na sina alyas Boy Recto, Ycaro, Kap Lescano at Gary, na pawang nagpapakilalang kaalyado sa pulitika ni Lipa City Mayor Eric Ben Africa, ang nagtuloy sa operasyon ng ilegal na negosyo.

Gamit ni alyas Sgt. Michelle sa kanyang pagpapatakbo ng STL bookies ang rebisahan ng taya sa isang safehouse sa Lumina Housing sa Brgy. Tangway, Lipa City.

Kapitalista din si Sgt. Michelle ng 20 sakla den na pinatatakbo ng mga tauhan nitong si alyas Lopez na isang aktibong pulis, MJ Rojales at Oying Balasador na nag-aakyat ng ‘di bababa sa P120,000 sa gabi-gabing operasyon.

Hawak din ni Sgt. Michelle ang operasyon ng sakla sa bayan ng Padre Garcia kasabwat bilang local manager sina alyas Tisoy, Nonit, Rasel, Estole at Lopez.

Nagpapatakbo din ng monte joint sa Brgy. 3, malapit sa Lipa City Public Market, si Sgt. Michelle, na ang tagapamahala ay ang pulis na si Lopez. May anim na sakla den pa si Sgt. Michelle sa bayan ng Nasugbu, tagapamahala ang drug pusher na si alyas Willy Bokbok at pulis na si alyas Ilaw.

May mga sakla den pa si Sgt. Michelle sa Brgy. Bagbag, Tanauan City, kasosyo ang isang Ocampo at 5 saklaan pa sa Santo Tomas City.

Tulad ng “Big 4” ipinangangalandakan ni Sgt. Michelle na may malaking financial support din sila sa mga tanggapan ni Mayor Africa at Lipa City Police chief LtCol. Aleli Buaquen?

Di kukulangin sa P1 milyon ang kolektong ng tropa nina Sgt. Michelle sa peryahan na may sugalan at shabuhan na nagkalat sa Batangas.

Pagsisiwalat pa ng MKKB, dahil sa pagbabalik ni Gen. Lucas sa dating pwesto at pagkakahirang kay Batangas PNP OIC Col. Emerick Geovanny Sibalo, nabuo ang alyansa sa pagitan nina Adrian, Gardiola, Marasigan, Big 4 at Sgt. Michelle.

Si Sgt. Michelle din ang kinikilalang “kapustahan” o police tong collector ng ilang tiwaling opisyales ng PNP sa Camp Crame, Region 4A Police at Batangas Provincial Police, gamit sa pangongotong sa mga iligalista ang alipores nitong sina alyas Sgt. Sandoval, Jamal, alyas Sgt. Adlawan na isang nasibak na miyembro ng Davao Police at Duterte Diehard Supporter (DDS).

Panukala ng MKKB kay Presidente Marcos ay kasuhan at ipatapon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sina Sgt. Michelle, Sgt. Sandoval at Jamal, samantalang ikalaboso ang notoryus na tong kolektor na si ex-Sgt. Adlawan. (CRIS A. IBON)