Advertisers

Advertisers

72 na patay sa lindol sa Cebu

0 22

Advertisers

UMAKYAT na sa 72 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 6.9 lindol sa Cebu, ayon sa ulat ng National Disaster Risks and Reduction Management Council nitong Huwebes.

Mahigit 200 ang sugatan, kabilang ang 294 kumpirmadong kaso na kasalukuyang bineberipika.



Ayon kay OCD Region 7 Director Joel Erestain, nadagdagan ng tatlo ang mga nasawi Miyerkoles ng gabi, ngunit umaasa siyang hindi na tataas pa ang bilang.

Wala namang naiulat na nawawala, pero nagpapatuloy ang paghuhukay sa mga guho.

Apektado ng lindol ang 47,221 pamilya o 170,959 katao, at 20,000 ang napilitang lumikas.

Naitala rin ng PHIVOLCS ang 2,329 aftershocks, 13 dito ang naramdaman, kabilang ang pinakamalakas na magnitude 5 na tumama 10:46 ng gabi ng Miyerkules.