Advertisers

Advertisers

Aljur Abrenica Walang Improvement Ang Acting; Travel And Food Vlogger Jessica Santos-Riedmatten Ng Switzerland Nag-celebrate Ng Birthday With Family

0 17

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Kung ang utol na si Vin Abrenica ay nag-level up ang acting at ang ex na si Kylie Padilla na pagkahusay-husay sa “My Fathers Wife” sa GMA 7. Ito namang si Aljur Abrenica hanggang ngayon ay walang improvement pa rin ang pag-arte, na ang resulta minsan ay na-giging over acting na siya sa kanyang mga eksena.

Tulad sa isang scene nila ng kapwa pulis sa “Batang Quiapo” na si John Estrada. Sigaw nang sigaw ang hunk actor at nanlilisik ang mga mata. Pero ang resulta hindi mo maramdaman ang galit niya kay John na tiningnan lang siya pero nilamon siya nito sa eksena. Parang hindi na nakakawala si Aljur sa old school of acting eh, year 2025 na tayo at hindi na uso ang ganyan lalo’t hindi naman siya artista noong 50’s at 60’s na walang kaemo-emosyon umarte ang mga artista kahit ang tema ng pelikula ay musical-drama na uso sa ganitong era. Siguro dapat kay Aljur ay maghasa sa mahusay na acting coach ng matuto siya sa tamang pag-arte. Samantala, wala pa ring pag-amin mula kay Aljur at sa partner na si AJ Raval kung true na may dalawa na silang anak. Na ibinuko nga ng tatay ni AJ na si Jeric Raval.

***

Well-Loved very much talaga ng kanyang mga daughter and napaka-supportive naman sa aming beautiful friend na si Ma’am Jessica Santos Von Reidmatten o my Dearest Jhe(tawag ko sa kanya) ang mister na si Sir Martin Reidmatten. At yes tulad ng inyong columnist ay isa ring vlogger si my Dear Jhie. She is a travel and food vlogger na maraming followers sa abroad at sa Pinas. She is so kind, sweet and generous also sa mga kaibigan at may mga tinutulungan siya dito sa Pilipinas and she is married nga sa foreigner hubby niyang si Sir Martin na maganda o fabulous ang line of job sa Switzerland.

Just recently lang ay nag-celebrate ng kanyang birthday si my Dearest Jhie na ang aming friendship sa sikat na IZAKAYA EKIMAE RESTAURANT sa St. Gallen sa Switzerland. Masaya niya itong sinelbreyt with her whole family and friends. Kaliwa’t-kanang regalo ang natanggap ni my Beloved Jhie, mula sa kanyang mga generous daughters, husband Martin and mga socialite friends. HAPPY BIRTHDAY, Belated!